Ang incentive distribution sa Taradungan sa bayan ng Roxas na kaloob ng PCA

Nakatanggap ng may kabuuang P630,000 ang 98 na magsasaka ng niyog mula sa dalawang barangay ng Roxas na nanggaling sa Incentivized Coco Planting and Replanting Project(ICPRP) ng Philippine Coconut Authority (PCA), araw ng Martes, Disyembre 14.

Nasa 50 magsasaka mula sa Barangay Antonino ang nakatanggap ng kabuuang halagang P321,750 samantalang 48 naman mula sa Brgy. Taradungan ang nakatanggap ng P308, 889.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa covered gym ng Brgy. Taradungan na dinaluhan nina Roxas Municipal Agriculturist Edgar Padul bilang representante ni Mayor Dennis Sabando at punong barangay Miguelito Cabate.

Ayon sa PCA, binibigyan ng pagkakataon na magtanim ng niyog ang mga magsasaka na may lupaing kalating ektarya hanggang isang ektarya upang ito ay maisalilim sa nasabing programa. Pahayag ni Arlo Solano, PCA-Palawan acting Division Chief I, ang bawat mapapatubong puno ng niyog ay babayaran ng P40.

- Advertisement -

“Ito ay para sa coco reproduction, para mahikayat ang mga magsasaka magtanim ng niyog upang makakatulong sa kanilang kabuhayan at maitaas ang halaga produkto ng niyog bilang patuloy na suporta sa mga coco farmers sa Palawan,” paliwanag ni Solano.

Patuloy ding hinihikayat ni Solano ang mga magsasaka ng niyog sa bayan na magpatala sa National Coconut Farmers Registry System (NCFRS) upang maging kabahagi ang mga ito sa mga programa ng PCA at Department of Agriculture (DA) na mapapakinabangan ng mga magsasaka sa lalawigan ng Palawan.

Previous articlePolice roundup: Tatlong wanted arestado sa Taytay, Puerto Princesa City, at El Nido
Next articleKalayaan mayor Del Mundo surrenders, posts P30k bond for temporary release due to sexual harassment charges
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.