Nov 25, 2020

PCA nagbigay ng insentibo sa mga coconut growers ng Brooke’s Point

Ang mga coconut grower ay mayroon dapat minimum na kalahating ektarya para pagtaniman ng 72 coconut seedlings. Ang maximum na laki ng lupa na pwedeng i-apply sa programa ay limang ektarya.

BROOKE’S POINT, Palawan — May 36 na mga coconut grower sa bayan na ito ang pinagkalooban ng insentibo ng Philippine Coconut Authority (PCA) dahil sa paglahok sa Participatory Coconut Planting Project (PCPP) noong Lunes.

Ayon kay senior agriculturist Arlo Solano ng Palawan Provincial Office ng PCA noong Martes, nabigyan ang mga naturang magsasaka ng insentibo matapos silang mag-enroll sa PCPP at matupad ang mga requirements na hinihingi ng tanggapan.

Ang mga coconut grower ay mayroon dapat minimum na kalahating ektarya para pagtaniman ng 72 coconut seedlings. Ang maximum na laki ng lupa na pwedeng i-apply sa programa ay limang ektarya.

“Kapag na-meet ng kanilang itinanim na niyog ang requirement na two feet, babayaran natin sila base sa requirement ng programa. Mayroon naman tayong itinakda bawat kalahating ektarya 72 seeds lang ang pweding itanim,” pahayag niya.

“P18 ang halaga niyan — nag enrol sila sa PCA noon at ngayon ay nabayaran na natin under PCPP,” dagdag ni Solano.

Sa kabuuan, naka-release ang PCA sa bayan ng Brooke’s Point ng halagang P128,718 para sa 36 coconut growers.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry