Image courtesy of Corz Claridad

 

Nasa 150 sea turtles (pawikan) hatchlings ang pinakawalan sa baybayin ng Pagasa Island sa bayan ng Kalayaan noong September 15 kasama ang Philippine Navy (PN), Philippine Coast Guard (PCG), mga residente at ilang mga empleyado.

Ayon ka Corz Claridad, executive assistant, matagal na inalagaan sa loob ng pawikan hatchery ang mga hatchlings bago pinakawalan ang mga ito.

“Kapag may itlog ng pawikan na nakita, kukunin yon ng mga in charge natin na nag-iikot sa isla, nilalagay sa hatchery at kapag napisa na at medyo malaki na nirerelease na sa baybayin. Palagiang ginagawa yan dito sa ilalim ng Pawikan Conservation Program para mas lalo pa silang dumami,” ani Claridad.

Ayon kay Claridad, ginagawa ang pagkuha sa mga itlog ng pawikan upang mas lalong ligtas ito at mapisa ng maayos at para maiwas ito sa mga hayop katulad ng mga gumagalang aso o mga predators na pweding hukayin at kainin ang itlog kaya mas mabuting mailagay ito sa pawikan hatchery.

 

Image courtesy of Corz Claridad

 

Masusi rin aniyang sinusunod ang proper handling ng pagtransfer o paglilipat ng itlog ng pawikan mula sa kanilang pinangitlogan patungong hatchery.

Ang Pawikan Hatchery sa Pagasa Island ay pinapangasiwaan ng Municipal Environment and Natural Resources (MENRO) katuwang ang kanilang mga empleyado sa isla na patuloy na nagaalaga ng mga sea turtle babies at nagmomonitor ng mga itlog nito sa baybayin upang mas lalo pa itong mapangalaan.

 

 

About Post Author

Previous articleSite initiation meeting for Avigan clinical trial held: DOH
Next articleCombine harvester, ipinamahagi sa South
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.