Ang bahay na tinupok ng apoy sa Sitio Montivista, Barangay Poblacion, sa bayan ng Taytay, noong September 28. (Contributed photos)

Tinatayang aabot sa P60,000 ang pinsalang idinulot ng sunog na naganap sa isang bahay sa Sitio Montivista, Barangay Poblacion, sa bayan ng Taytay, bandang alas tres kahapon, September 28, dahil umano sa patay sinding kuryente sa lugar.

Ayon kay SFO2 Ramon T. Avanceña, officer in-charge municipal fire marshal ng Taytay, ay ilang araw ng patay sindi ang kuryente sa lugar na possibleng naging dahilan short circuit.

Dagdag pa rito, aniya ay may kalumaan na rin ang bahay na siyang dahilan kung bakit tinupok ito agad ng apoy.

“Nang mangyari ang sunog wala ding tao sa bahay pero sabi ng isang bata na nakatira doon, binunot naman din niya ang [nakasaksak] na possible na tinitingnan namin [na dahilan ng sunog]. Upon investigation, ang saksakan na yun ay puno na ng bahay ng anay, dikit-dikit na,” ayon kay Avanceña.

“Kahapon (September 27) pa po kasi dito sa Taytay nagpapatay-sindi ang kuryente. Maaaring dahil doon, nagdikitan na siya, nagkaroon ng spark, tapos doon sa malapit sa saksakan na ‘yun may mga stock na damit at mga libro. Kaya pag spark, nag dire diretso na ang apoy,” dagdag pahayag niya.

Agad namang rumesponde and Bureau of Fire Protection (BFP) Taytay sa nasabing insidente, dahilan ng mabilisang pagka apula ng sunog.

Ayon kay Avanceña, may sira ang kanilang firetruck kaya humingi sila ng tulong para gamitin ang firetruck ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Taytay upang mapaapula ang sunog.

“Nakatanggap kami ng tawag alas 3:26, ang firetruck namin nasa Puerto ngayon dahil inaayos. Humingi agad tayo ng tulong sa MDRRMO ng Taytay, ginamit natin ang kanilang firetruck, dumating kami sa area 3:28, nagconduct agad kami ng operation, 3:35 nag declare na kami ng fire under control, at 3:55 overhauling na,” dagdag pa nito.

About Post Author

Previous articleCOMELEC sees more expenses if BSKE reset not passed by October
Next articleTD ‘Luis’ intensifies into tropical storm, but is moving out of PAR
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.