Nov 24, 2020

Patay na sanggol, natagpuan sa WPU Aborlan campus

Ayon kay P/SMS Jodini Temple, Investigation PNCO ng Aborlan Municipal Police Station (MPS) natagpuan ng isang guro ang fetus sa gilid ng SAKA Building na nasa stage of decomposition na.

Isang patay na sanggol, tinatayang nasa 12 weeks old, ang na-recover ng mga awtoridad sa compound ng Western Philippines University (WPU), Barangay San Juan bayan ng Aborlan, noong Byernes.

Ayon kay P/SMS Jodini Temple, Investigation PNCO ng Aborlan Municipal Police Station (MPS) natagpuan ng isang guro ang fetus sa gilid ng SAKA Building na nasa stage of decomposition na.

“Nakita ito noong June 19, mga 5:00 p.m. sa tabi ng SAKA building within the compound ng WPU. Nakita ito ng isang guro at nasa stage of decomposition na siya, pabulok na may amoy na,” ayon kay Temple.

Dagdag ni Temple, maaring sa labas ginawa ang paglaglag sa fetus at posibleng dinala lang sa lugar.

“Maaring sa labas ginawa yong pagtanggal sa fetus pwedeng dinala lang sa loob, pwedeng taga roon din pero sa kasalukuyan po walang estudyanteng nakatira doon e, pero may posibilidad na kabisado ng taong yon ang lugar kasi bakit doon niya ibinaon, binaon po siya sa garden,” aniya niya.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry