Ang patay na dolphin sa dalampasigan ng Barangay Marangas, sa Bataraza. (Larawan mula kay Jho Pimentel)

Isang patay na dolphin na may habang anim na talampakan ang natagpuan sa dalampasigan ng Barangay Marangas sa bayan ng Bataraza, dakong 2:30 ng hapon ng Biyernes, Marso 4.

Ang dolphin ay nakita ni Josie “Jho” Pimentel habang patungo sa dagat kasama ang kanyang pamilya para maligo at manguha ng shells.

Sa panayam ng Palawan News kay Pimentel, sinabi niya na posibleng kamamatay pa lamang ng dolphin nang mapadpad ito sa dalampasigan dahil nang hawakan niya ito ay kapansin-pansin na sariwa pa ito.

Larawan mula kay Jho Pimentel

“Sa tingin ko po hindi pa matagal ang pagkamatay ng dolphin kasi sariwa pa at hindi pa bloated nang hawakan ko,” pahayag ni Pimentel.

May mga sugat at ilang hiwa sa katawan ang dolphin na posibleng naging sanhi ng kamatayan nito.

“May mga sugat siya sa katawan na parang hiwa at kinagatan ng alimango sa bandang organ na daanan ng kanyang dumi. Hindi ko masasabi kung ito ay dahil sa pagsabog unless masuri ang katawan nito,” dagdag ni Pimentel.

Previous article2nd SOU-MG nagsagawa ng mangrove planting bilang bahagi ng ika-31 anibersaryo
Next articlePagsasanay sa pagtugon sa posibleng trahedya isinagawa ng Brooke’s Point MDRRMO at MSWDO
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.