Â
SAN VICENTE, Palawan — Sinimulang ipatupad noong Martes ang pagkakaroon ng passenger manifest ng lahat ng pribado at pampublikong sasakyan na lumalabas ng bayang ito bilang bahagi ng pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.
Dadaan rin ang lahat ng pasahero sa health protocols na ipinatutupad, ayon sa Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF) guidelines. Ito ay ang pagsusuot ng face mask, temperature check, at social at physical distancing.
Layunin ng patakaran ang mabilis na contact tracing kong kinakailangan at upang masiguro na nasusunod ng lahat ng sasakyan ang 50% occupancy at social distancing lalo na sa mga pampublikong sasakyan.
Ipinaliwanag ni Edgar Andante, Municipal Economic and Enterprise Development Office (MEEDO) officer ang nasabing proseso:
“Pupunta sila (pasahero) sa terminal beside wet section ng public market upang mag fill-up ng manifest form nakalagay pangalan ng mga pasahero, kumpletong address ng pinanggalingan, paroroonan, at cellphone number,” sabi niya.
“Kukunan sila ng temperature, dadalhin nila ang form sa Itabiak (Quarantine checkpoint) at yon ang magiging passes nila para makalabas at makapasok. Health protocol must be observed. Fifty percent loading capacity of vehicles allowed para lamang po ito sa ikabibilis ng biyahe at social distancing, at gagamitin natin sa contact tracing,” pahayag ni Andante.”
Ganoon din sa mga papasok sa nasabing bayan, kinakailangan nilang dumaan sa kaparehong protocol.
Maglalagay din ang MIATF ng pansamantalang pahingahan o rest area para sa mga biyaherong makikitaan ng mataas na temperatura lalo kung sila ay galing sa lugar na may positibong kaso ng COVID-19.
Kasama din sa quarantine checkpoint ang mga kinatawan ng municipal health (nurses).
“Ganoon din sa arrivals. Sa Itabiak quarantine checkpoint pa lang same procedures, fill up sila ng manifest form bago makapasok at kung may lagnat pababain agad sa Itabiak. Then proper interview lalo na kapag galing sa area na may positive case — hindi muna sila papapasukin. Mag -put up tayo ng rest area sa Itabiak. May mga nurses naman po tayo naka-deploy sa Itabiak,” sabi rin ni Andante.