Ang mga magulang sa Abo-abo Child Development Center habang nagsasagawa ng PES.

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan – Mahigit 50 magulang mula sa mga barangay ng Abo-Abo at Isumbo sa bayan na ito ang nagtapos sa isinagawang pagsasanay hinggil sa Parent Effectiveness Service (PES) nitong nagdaang buwan ng Oktubre.

Ang nasabing aktibidad ay pinangasiwaan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) kung saan, ang mga magulang ay sumailalim sa iba’t ibang parenting sessions at binigyan ng lectures na may kinalaman sa child rights and responsibilities, child abuse at parenting practices in the Philippines.

Ayon kay Marieta Rafael, 4Ps Project Development Officer II ng Sofronio Española, naging malaking tulong para sa mga magulang ang isinagawang PES sa tatlong malalaking day care center na natapos noong October 26.

“Naging cooperative naman ang mga parents na dumalo sa mga sessions noong October 5, October 19 at October 26. Mahalagang malaman nila kung ano-ano ang mga dapat nilang gawin upang maging epektibo at mabuting magulang sa kanilang mga anak, malaman ang karapatan ng bata at sila bilang magulang,” pahayag ni Rafael, November 6.

Ani Rafael, nais nilang mabigyan ng marami pang kaalaman ang mga magulang patungkol sa mga karapatan ng kanilang anak bilang isang bata, mga responsibilidad ng mga magulang at mga uri ng pag-aabuso sa mga ito.

Binigyang paala-ala rin ang mga magulang ala na patuloy nilang gabayan ang kanilang mga anak sa pag-aaral ngayong ipinatutupad ang distance learning scheme sa ilalim new normal dahil na rin sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Aniya, mahalagang nasa tabi ng anak ang kaniyang ina at ama ito ay upang turuan at sanayin habang ito ay nagaaral sa gitna ng pandemya.

Dagdag niya, ang nasabing aktibidad ay nakatakda ring gawin sa iba pang mga day care centers at barangay sa mga susunod na buwan.

“After the sessions we will have an evaluation. Ang assessment ay sa loob ng isang buwan para makita kung nai-apply ba nila ang kanilang pinagaralan,” paliwanag niya.

Previous articleRyan Reynolds, Gal Gadot, and Dwayne Johnson invite you to watch Red Notice on Netflix this Nov 12
Next articleSan Vicente target na magkaisa ang mga quarantine personnel at van operators laban sa COVID-19
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.