No Images found.

Paniningil sa mga gustong makita ang Poo’t Bato, ipinatigil sa bayan ng Quezon

Ang Poo’t Bato ay itinuturing na destinasyon sa bayan ng Quezon na dinadayo ng mga residente doon, ngunit hinarangan diumano ito ng caretaker na si Toto Biona.

Image courtesy of Espie Caabay

 

Ipinatigil na ng binuong multi-sectoral investigating team sa bayan ng Quezon sa southern Palawan ang paniningil ng entrance fee sa mga residente na gustong makita at magpa-picture sa Poot’s Bato sa Lasyap Beach, Barangay Maasin na binakuran at hinarangan din ang daan ng isang pamilya.

Ang Poo’t Bato ay itinuturing na destinasyon sa bayan ng Quezon na dinadayo ng mga residente doon, ngunit hinarangan diumano ito ng caretaker na si Toto Biona.

Maaari lamang makapasok kapag nagbayad ng entrance fee, ayon kay kapitan Danilo Carmen ng Maasin.

“Noon pa bukas yan, pero nakarating sa atin na hinarangan daw at kung makakapasok man ang mga gustong magpa-picture sa Poo’t Bato sinisingil daw. Hindi dapat ganoon dahil hindi naman private property itong Poo’t Bato natin,” sabi ni Carmen.

 

Image courtesy of Espie Caabay

 

Aniya sa panayam ng Palawan News, kinausap na nila si Biona na caretaker at humingi naman ito ng pasensya sa ginawang paglalagay ng harang sa Lasyap Beach.

Sinabi rin ni Biona na tatanggalin na ang harang noong araw din na yon at hindi na maniningil ng entrance fee sa mga bisita na ibig makita ang lugar at ang Poo’t Bato.

“Kinausap natin ang caretaker at humingi naman siya ng pasensya kung bakit niya hinarangan at sinara ang lupa na binabantayan niya. Yon lang kasi talaga ang lupa na yon ang puwedeng daanan ng mga nais pumunta sa Poo’t Bato,” dagdag niya.

“Wala naman siyang sinabing malalim na dahilan. Bukod doon sa hinarangan niya ang daan ay dahil nais lang niyang proteksyunan ang mga bulaklak na nakatanim sa lupa na binabantayan niya. Naintindihan naman natin yon, pero ang sa atin lang naman ay pakiusap dahil isa po yang view na yan na dinadayo dito sa bayan ng Quezon sa barangay natin at walang puwedeng madaananan kung haharangan niya,” sabi ni Carmen.

Ayon pa kay Carmen, hindi rin puwedeng maningil sa mga gustong magpa-picture at magpunta sa lugar dahil hindi ito private property.

Ang sakop lang umano ng may-ari ay ang lupain sa taas ng Lasyap Beach at ang mini beach na meron ito sa kalapit na lugar.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry