(Photo credit: PSU Sofronio Española fb page)

Inaasahan ng pamunuan ng Palawan State University-Sofronio Española (PSU-Española) campus na aabot sa mahigit 650 ma estudyante ang mag-e-enroll para sa second semester ng School Year 2021-2022.

Nagsimula ang enrolment para sa second semester ngayong araw ng Lunes, Enero 17, at magtatagal hanggang sa Biyernes, Enero 21.

Batay sa eschedule ng unibersidad, ang schedule ng first year ay ngayong araw ng Lunes, ang second year ay sa araw ng Martes, ang third year ay sa Miyerkules, at ang fourth year naman ay sa araw ng Huwebes at Biyernes.

Ayon kay Sandra Manzul, PSU-Española director, ang bilang ay base sa estudyante ng PSU-Española noong first semester.

“More or less 650 ang enrollees natin noong first sem. Hindi lang natin alam kung may mga bagong mag-e-enr0l ngayong second sem,” pahayag ni Manzul.

Habang isinasagawa ang enrolment ay mahigpit na ipinaiiral ng PSU-Española ang health protocols.

Kabilang pa rin sa health protocols na dapat sundin ng mga estudyanteng mag-eenrol ay ang palagiang pagsuot ng face mask, pagkuha ng body temperature, at ang pananatili ng social distancing.

Layunin nito na mapanatiling ligtas ang buong campus at maging ang mga estudyante at faculty ng PSU-Española laban sa banta ng COVID-19 sa isasagawang limang araw na enrolment.

“Everybody should observe our protocols, hanggang January 21, to make sure na ligtas ang ating paaralan at ang mga mag-aaral,” ani Manzul.

About Post Author

Previous articleICF expecting more inmates to be released under GCTA
Next articleBill promoting financial literacy gets House final nod
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.