- Advertisement by Google -

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Inaasahang mauumpisahan na sa Martes ang pagkumpleto ng relief operations para mabigyan ng tig-25 kilos na bigas ang may 5,000 households na hindi pa nakatatanggap sa limang barangay sa munisipyong ito.

Sa panayam ng Palawan News kay Mayor Marsito Acoy, sinabi nitong itutuloy nilang makumpleto ang tig-25 kilos na bigas para sa mga household sa Panitian, Labog, Punang, Iraray, at Pulot Shore na hindi nakatanggap ng 1st wave dahil sa kakulangan ng suplay sa National Food Authority (NFA).

Sabi ni Acoy, mayroon pa silang 3,000 sako ng palay na naka-reserba at maaaring ipamahagi sa Martes o hindi kaya at sa Miyerkules.

“Tinitiyak natin na mabibigyan talaga lahat. Nagkulang lang tayo ng order sa NFA dahil limited talaga ang supply natin doon pero may 3,000 tayong parating para ang limang barangay ay mabigyan na,” sabi niya.

Sa kabuoan ay mayroong 10,500 households sa bayan ng Sofronio Española ang dapat makatanggap ng tig-25 kilos ng bigas.

- Advertisement -

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleCity water district resumes operation
Next articleSM builds 7 emergency quarantine facilities in Metro Manila
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.