Nananawagan sa publiko ang mga kaanak ng mangingisdang si Eugenio C. Galtiano ng Barangay Sta. Cruz Anda, Bohol, na sana ay matulungan silang makita ito matapos mawala noong Marso 24 dahil sa nahulog siya sa sinasakyang bangka sa karagatan ng nasabing lugar habang pauwi matapos na mangisda kasama ang isang kaibigan.

Ayon kay Justine Ubanan, kaanak nang nawawalang mangingisda, malakas daw ang alon noong panahon noon kaya nahulog ang kanyang tiyuhin sa bangka.

“Trip nila mangisda noong time na ‘yun, sabi po ng kasama niya nakaupo siya sa likuran ng bangka nang mahulog dahil sa lakas ng alon,” pahayag ni Ubanan.

“Around 4 to 5 p.m. umalis then nakabalik ang kasamahan, around 8:30 to 9:00 p.m.,” dagdag niya.

- Advertisement -

Samantala, nagbabakasakali ang pamilya nang nawawalang si Galtiano, na isa ring kagawad, na baka katawan nito ang natagpuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na palutang-lutang sa karagatan sa Barangay San Jose sa Puerto Princesa City, noong Linggo.

Kaugnay nito, maaari din daw na makontak ang numero ng pamilya ng biktima sa numerong 09273086194.

“Kung hindi man po siya at may makakita, pa kontak na lang po sa amin na pamilya niya,” dagdag pa nito.

Previous articleIronman 70.3 event in PPC officially announced
Next articleLocal businessman Nomie Lagan seeks to challenge the electoral landscape of Brooke’s Point
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.