Humihingi ng tulong ang misis at mga kaanak ng isang kinilalang si Benjamin Bagona Jr na magtatatlong araw na diumanong nawawala simula pa noong Sabado ng gabi, December 4.

Ayon sa asawa nitong si Raquel Castillo, alas nueve ng gabi ng magpaalam ito na bibili lamang ng shampoo sa isang tindahan malapit sa kanilang bahay sa Purok Pulang Lupa, Barangay Santa Lourdes, ngunit hindi na ito nakabalik.

Dagdag pa ni Castillo, hindi ugali ng kanyang asawa na basta basta na lamang umalis ng kanilang bahay ng walang paalam.

“Wala po akong maisip na dahilan kung aalis lang siya ng bahay. Wala po siyang kaaway, o na-involve sa babae. Mabait po ang asawa ko at may walong buwan kaming anak,” pahayag ng Castillo.

Nanawagan naman ang Puerto Princesa Police Station 2 (PS2) sa publiko na ipagbigay alam sa kanila ang anumang impormasyon kaugnay kay Bagona.

Kasalukuyan na ring nagsasagawa ng pag iikot ang mga awtoridad kaugnay sa missing person report na ito.

“Nag flash alarm na kami. Nanawagan na kami sa mga posibleng makakita o may impormasyon sa kanya na ipagbigay agad sa amin. Nag ikot na din ang ilang mga pulis,” pahayag ng hepe ng PS2 na si PMaj. Noel Manalo.

About Post Author

Previous articleLibreng sakay tuwing Miyerkules sa Linapacan sa gustong magkonsulta sa ospital ng Culion
Next articleCity Tourism reminds tourism-related establishments and enterprises to be DOT accredited
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.