Pamilya nasagip ng PCG mula sa bangka na nagka-aberya sa karagatan ng Balabac

Nasagip ng Coast Guard District Palawan (CGDPal), ang isang pamilya sa karagatan ng Balabac

Isang pamilya na binubuo ng anim na indibidwal ang nasagip ng operatiba ng istasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Balabac mula sa kanilang bangka na nagkaroon ng aberya ang makina at nagpalutang-lutang sa karagatan malapit sa Barangay Ramos kamakailan.

Ang mga nasagip noong umaga ng Hunyo 7, ngunit ngayon lang naiulat ng Coast Guard District Palawan (CGDPal), ay sina Arnel Leniego, 51, at Veronica Leniego, 35, at ang apat na menor de edad na anak na may edad na 6, 8, 9, at 12. 

Sa ulat ng CGDPal, nagsasagawa sila ng random seaborne patrol nang mamataan ang pamilya na puno ng pag-aalala dahil sa ilang oras ng nakalutang sa dagat kasama ang mga bata.

Pahayag ni Coast Guard Puerto Princesa District Palawan Commander Severino Destura, alas sais ng umaga ng Sabado, June 6, nang umalis ang pamilya sa Brgy. Ramos pabalik sa kanilang lugar sa Sityo Matangule, Brgy. Bancalaan ng habang nasa kalagitnaan na nang biyahe ay isang piraso ng kahoy ang tumama sa elesi ng bangka na naging dahilan ng aberya ng makina.

“Naka-schedule sila ng Coastal Security Patrol sa mga baybayin ng Balabac, nagkataon na pagdaan nila sa Barangay Ramos nang makita nila ang motor banca na nakalutang na lang sa dagat. Nang maabutan sila, hindi pa naman sila mukhang pagod, pero nababahala na po sila, medyo kinakabahan na sila kasi possible na mapadpad sila sa kung saan,” pahayag ni Destura.

Aniya, nasa mabuti ng kalagayan ang pamilya Leniego simula ng sila ay masagip.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry