Aerial photo ng bayan ng San Vicente matapos ang bagyong Odette. (Image grabbed from Palawan PDRRMO provided aerial video/ File photo)

Umabot na ang bilang ng apektado ng bagyong Odette sa Palawan sa 72,568 na pamilya, batay sa huling datos na ibinahagi ng Emergency Operations Center (EOC) noong Enero 4.

Ang bilang ay mula sa 12 munisipyo sa bahaging norte ng Palawan, tulad ng Cuyo, Agutaya, Magsaysay, Cagayancillo, Roxas, Araceli, Kalayaan, Dumaran, San Vicente, Taytay, Aborlan, at Linapacan, ayon sa post ng Palawan Provincial Information Office (PIO) mula sa meeting ng EOC.

Bilang tugon sa agarang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad, umabot na rin sa 15,325 family food packs (FFPs), 2,860 sako ng bigas ang naipaabot ng Pamahalaang Panlalawigan kasama na rin ang mga non-food items tulad ng blankets, plastic mats at towels.

Nagbigay ulat din si provincial health officer Dr. Faye Erika Q. Labrador kaugnay sa naging assessment sa mga nasirang health centers, health stations, at health unit sa munisipyo ng Roxas na isa sa matinding hinagupit ng bagyo.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng EOC sa mga munisipyong matinding sinalanta ng bagyo para sa agarang pagresponde ng Pamahaalang Panlalawigan.

About Post Author

Previous articleSudden spark of cases in PPC alarms health officials
Next articleGov’t hastens delivery of Pfizer jabs for 6 to 11 years old