Tinitingnan ngayong motibo ng mga imbestigador mula sa Puerto Princesa Police Station (PS) 2 ang angulo ng holdap sa naganap na pamamaril sa isang negosyante sa Sitio Pinamunuan, Brgy. Simpocan sa lungsod, noong gabi ng Lunes, January 16.

Ayon sa hepe ng PS 2 na si P/Maj. Noel Manalo, posibleng binabantayan ng suspek ang galaw ng biktimang si Rafael Sta. Maria Tabang Cabrera na palagiang nag iikot sa lugar dahil sa kanyang negosyo.

Maaring natunugan umano ng suspek na mayroon siyang dalang malaking halaga noong mga panahong iyon.

Ayon pa kay Manalo, magandang bagay na naging alerto ang biktima kaya nakaiwas ito sa tiyak na kapahamakan.

“Alam ng biktima na may sumusunod sa kanya, mula sa cemented road kasi tapos dadaan sa malubak bumagal ang takbo ng multicab, doon sumabay na ang suspek na nakasunod sa kanya saka siya pinagbabaril,” pahayag ni Manalo.

“Hindi naka-pagdeklara ng holdap, pero posible na panghoholdap ang pakay niya dahil sa may malaking pera na dala ang biktima,” dagdag ng hepe.

Dahil sa pagiging alerto ng biktima ay nagawa pa nitong paandarin muli ang kanyang sasakyan at saka mabilis itong pinatakbo patungo sa pinakamalapit na bahay.

Dito ay agad siyang humingi ng tulong habang ang suspek ay mabilis na tumakas palayo sa lugar sakay ng motorsiklo.

Nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang bahagi ng leeg at dibdib ang biktitma.

About Post Author

Previous articleTauhan ng anti-crime na nagpositibo sa droga, sinibak ni Ligad
Next articleI-PALAWAN MO NA: A CULTURE
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.