Patuloy ang pagkakaloob ng P5,000 tulong pinansyal ng pamahalaang panlalawigan para sa mga pamilya na naapektuhan ng bagyong Odette sa bayan ng Roxas, partikular na sa Barangay Abaroan.
Noong Pebrero 21 ay pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) katuwang ang Provincial Governor’s Office (PGO), Provincial Treasurer’s Office (PTO), at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pamimigay ng ayuda na mula sa P155 milyon na donasyon ng pamahalaang nasyunal.
Ayon sa ulat mula sa Palawan Provincial Information Office (PIO), target na matapos ang pamamahagi ng ayuda sa ikalawang linggo ng buwan ng Marso.

Nauna nang napagkalooban ng kahalintulad na tulong pinansiyal ang mga barangay ng San Miguel, Nicanor Zabala, Tinitian, Jolo, Caramay, Rizal, Salvacion, Magara, Tagumpay, San Jose, at New Cuyo sa naturang bayan nitong nakalipas na linggo.
Ang Roxas ay isa sa mga bayan na lubhang naapektuhan ng bagyong Odette nang manalasa ito sa Palawan noong Disyembre 17, 2021.