Larawan mula sa PGO-Sports Division

Isang summer sports clinic ang isinagawa ng Provincial Governor’s Office-Sports Division katuwang ang Brooke’s Point Municipal Sports Office noong Abril 18-22.

Layunin ng nasabing programa na maipakitang muli ng mga kabataan sa nasabing bayan ang kanilang talento sa larangan ng palakasan matapos na kaharapin ang pandemyang COVID-19 mula noong taong 2020.

Ayon kay Sports Division Officer Janelle Beltran, ang aktibidad para sa mga kabataan sa bayan ng Brooke’s Point ay unang sports clinic activity na isinagawa matapos ang unti-unting pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa at sa ibat-ibang parte ng lalawigan.

- Advertisement -
Larawan mula sa PGO-Sports Division

“Dahil na rin sa pandemic ay nahinto ang mga palaro at programa na ginagawa natin kaya ngayon ay sinisikap natin na makapagsimula tayo unti-unti at makapagsagawa ng mga palaro,” pahayag ni Beltran.

Ang nasabing summer sports clinic na dinaluhan ng 88 kabataan mula sa Brooke’s Point at mga kalapit na munisipyo ay kinapalooban ng boxing, sepak takraw, table tennis, at basketball bilang sporting events.

“Very successful yung event natin and very overwhelming na marami yung nag-participate knowing na it exerts effort na pumunta lalong-lalo na yung iba doon ay hindi lang galing sa bayan ng Brooke’s Point,” ani Beltran.

Previous articleTindahan sa Rizal, pinasok ng 2 suspek upang magsagawa ng holdup
Next articleDriver ng top down na naaksidente sa bayan ng Bataraza pumanaw na
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.