RIZAL, Palawan — Naglaan ng P3 milyon bilang counterpart ang pamahalaang lokal sa bayang ito para sa Dr. Jose Rizal District Hospital bilang subsidiya sa mga kapos o mahihirap na mamamayan para sa kanilang mga serbisyong pangkalusugan.

Ayon kay Sangguniang Bayan (SB) member Grazil Macasaet-Zapanta, isa sa nagsulong ng resolusyon na maglaan ng pondo ang local government unit (LGU) sa nasabing ospital, ito ang ilalaan para makatulong sa kanilang mga kababayan dito.

“By that resolution, we give our counterpart amounting to P3 million for the medical expenses ng mga kababayan natin na nadadala o nagpapagamot sa Rizal District Hospital para naman kahit papaano hindi sila mahihirapan lalong-lalo ngayon na nasa panahon pa rin tayo ng pandemya,” pahayag ni Zapanta.

“Open minded naman ang lahat ng konsehal natin, even our local chief executive to allocate as our subsidy and counterpart ng LGU natin sa expenses ng ospital, sa lahat ng medyo hirap sa babayaran, sa mga laboratoryo at iba pa maging sa iba pang pagkakagamitan ng ospital. Kailngan nating suportahan ang pangangailangan ng ospital natin dito,” dagdag paliwanag niya.

Ayon pa kay Zapanta, ang pondo para sa subsidiya na ito ay isinama sa 2021 Annual Budget ng Rizal.

“Nasa Sangguniaang Panlalawigan na rin yan for review and we are sure na yan ay magkakaroon dahil sa Annual Budget yan na ipinasa ng Rizal,” sabi ni Zapanta.

Aniya, nakapag-draft na rin ang LGU ng magiging Memorandum of Agreement (MOA) nasabing pondo sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan at ng Rizal LGU.

“Sa MOA na yan, nakalagay kung paano gagamitin, in particular medical and health assistance sa mga nangangailangan, laboratoryo at kung magkano naman para sa operation expenses ng ospital na kailngan nila. Syempre may mga kailangan din silang sahuran o saan nila ilalaan ang para sa kanila,” paliwanag ni Zapanta.

About Post Author

Previous articleTatlong lalaki arestado sa iligal na sabong sa Quezon
Next articleLENTE hosts debate on Republic Act 11259
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.