Naglabas ng panuntunan para sa pagsasailalim sa general community quarantine (GCQ) status ang pamahalaang bayan ng Narra sa pamamagitan ng Executive Order (EO) No. 2021-164 na nilagdaan ni acting Mayor Crispin Lumba Jr., noong araw ng Biyernes, October 29.

Ang naturang EO ay inilabas ng pamahalaang bayan bilang pagtalima sa Resolution No. 146-A na inilabas ng National Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) noong October 28. Sa ilalim ng nasabing resolusyon, ang buong lalawigan ng Palawan ay isasailalim sa GCQ status sa buong buwan ng Nobyembre.

Sa ilalim ng nasabing EO, ang lahat ng pupunta sa bayan ng Narra ay kailangang magpresenta ng mga requirements na kinabibilangan ng negative RT-PCR test result 72 oras bago ang takdang biyahe, valid ID, certificate of acceptance mula sa barangay at kailangang sumailalim sa 14 araw na home quarantine.

Ang mga pinapayagang bumiyahe na maaring makapunta sa bayan ay kinabibilangan ng authorized persons outside residence (APOR), locally stranded individuals (LSI), at mga returning residents mula sa labas ng lalawigan na mangagaling sa ECQ, MECQ at GCQ areas with alert level 4.

- Advertisement -

Karagdagang requirement din para sa mga APOR ang letter of intent na naka-address sa MIATF, travel order mula sa kumpanya, itenerary, approved S-PASS at kailangang sumailalim sa facility-based quarantine.

Hindi naman kakailanganin ang pribadong sasakyan na susundo sa APOR at maaring bumyahe sakay ng accredited transport vehicles group ng MIATF.

Nakasaad din sa EO na lahat ng gastusin sa habang sumasailalim sa quarantine ay sasagutin ng APOR.

Para naman sa mga uuwing Returning Overseas Filipinos (ROFs) na magmumula sa “Green List Countries,” kailangang sumailalim sa 7 days facility-based quarantine base na rin sa requirements mula sa IATF resolution no. 128-A at kailangang ang negative RT PCR pagkatapos ng limang araw na pagpapanatili sa quarantine.

Samantala, para naman sa transportasyon, isang pasahero lamang ang papayagangisakay ng bawat tricyle.

Ang mga restaurant ay papayagang magbukas subalit hanggang sa 20 percent seating capacity lamang ang maaring i-accomodate. Ang mga customer ay kailangang mag-logbook para sa posibleng contact tracing.

Muli ring magpapatupad ng curfew mula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling-araw.

Sa huling tala ng MIATF noong October 28, ang bayan ng Narra ay may kabuuang 77 active cases kung saan, 27 ay RT-PCR confirmed at 50 Rapid Antigen Test reactive.

Previous articlePolice roundup: Vehicular accident naitala sa mga bayan ng Sofronio Española at Rizal
Next articleMga sementeryo sa Brooke’s Point, isinara ngayong Undas
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.