Ang ilang mamamayan na nakatanggap ng butong gulay at mga fruit-bearing seedlings mula sa lokal na pamahalaan | Larawan mula kay Shane Manlavi

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, namigay ng nutritious food packs at buto ng gulay sa ilang piling mamamayan ng bayan ng Magsaysay, partikular ang mga nasa vulnerable groups ngayong pahanon ng pandemya na dulot ng COVID-19.

Nagsimula ang pamamahagi ng food packs at mga buto ng gulay noong Hulyo 19 na pinangunahan ni Mayor Manuel Abrea katuwang ang Nutrition 2021 Executive Committee sa mga kabahayan ng northern barangays. Kasama ang mga Barangay Nutrition Scholars, namahagi ng mga nutritious food packs sa mga Severely Under Weight (SUW) pre-schoolers sa ilang barangay.

Samantala, namahagi naman ng mga butong gulay at mga fruit-bearing seedlings ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng opisina ng Municipal Agriculture Technologist (MAT)  bilang suporta sa mga gawaing pangnutrisyun sa taong ito.

“Ang ating isinasagawa ay bilang suporta sa ating mga kababayan lalo na yaong mga Vulnerable Groups sa panahon ng Pandemya. Sana sa kunting ambag ng LGU ay makatulong tayo. Nagpapasalamat din tayo sa lahat ng tumutulong at sumusuporta sa atin para magawan ng solusyon ang problema na ating kinakaharap,” pahayag ni Abrea.

“Ipagpapatuloy lang ito at may mga iba tayong gagawin bago matapos ang buwan at kasabay ng culmination day na itinakda ng Municipal Nutrition Council (MNC) sa ika-30 ng Hulyo,” dagdag niya.

Previous articleMemorization
Next articleNewborn baby dumped in irrigation canal in Aborlan
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.