File photo

Nagpalabas ng bagong panuntunan ang pamahalaang bayan ng Aborlan para sa mga may puwesto sa pamilihang bayan kasabay ng muling pagbubukas nito, araw ng Miyerkules, Hunyo 9.

Sa bisa ng Executive Order No. 21-034 na nilagdaan ni Mayor Celsa Adier noong araw ng Martes, Hunyo 8, balik operasyon na ang pamilihang bayan na pansamantalang isinara sa loob ng apat na araw para sa disinfection, matapos na ilan sa mga stall owners dito ay nagpositibo sa antigen test na isinagawa noong unang linggo ng buwan ng Hunyo.

“Marami ang nag-positive sa antigen, karamihan ay sa palengke,kaya isinara natin yan nakaraan at bubuksan muli ito ngayong Miyerkules pero may mga patakarang susundin ang lahat na may pwesto diyan,” pahayag ni Adier.

Kasabay ng muling pagbubukas ng palengke ay ipatutupad din ang sumusunod na bagong regulasyon:

Ang lahat ng may pwesto sa pamilihang bayan ay kailangang sumailalim muna sa antigen test at ang mga non-reactive lamang ang papayagang muling magbukas.

Ang kanilang pwesto sa palengke ay kailangan ding isailalim sa disinfection at kailangang magpakita ng Certificate of Disinfection na ibibigay sa kanila ng sanitary inspector.

Patuloy pa rin ang pagpapatupad din ng health and safety protocols katulad ng pagsusuot ng facemask at face shield.

Nagtalaga na rin ang Municipal Inter-Agency Task Force on COVID-19 (MIATF) ng isang entry at exit point simula araw ng miyerkules upang mamonitor ang lahat ng pumapasok sa pamilihang bayan upang masigurong nasusunod ang health protocols.

Samantala,ayon pa kay Adier, patuloy pa ring suspendido ang weekly tabuan sa bayan hangga’t mataas ang kaso ng COVID-19.

“Mataas ang antigen positive natin, ang alam ko more or less 150 na kasama ang RT PCR confirmed at ang antigen. Please mag ingat ang lahat, yan ang pakiusap ko po sa mga kababayan ko dito sa Aborlan,” ani Adier.

Previous articleCOA notes irregularities in Busuanga audit
Next articlePayment for tourism biz loans extended to 2 years: DOT
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.