Patuloy ang pagbabantay ng pulisya para siguruhin ang kaligtasan ng mga mamamaya sa gitna ng mga nangyayaring high-profile killing laban sa mga local officials.

Ito ang pagtitiyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Huwebes, Marso 1, 2023 matapos makipagpulong kay House of Representative Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez upang talakayin ang mga hakbang na ginagawa ng PNP para maresolba ang mga high profile killing at hingin ang suporta ng Kongreso para sa karagdagang pondo para sa pagpapalakas ng hanay ng pulisya.

“Sa ating mga kababayan, huwag po kayong mag-aalala at nakatutok ang kapulisan sa mga kasong ito. The PNP exhausts all its resources in the fulfillment of its mandate to serve and protect the citizens, whether they are local officials or not,” ani Abalos.

Ayon sa Kalihim, kabilang sa mga hakbangin na inilatag ng DILG at PNP sa nasabing pakikipagpulong ang pagpapaiigting ng paggamit sa teknolohiya sa paglaban sa kriminalidad; pag-review sa batas sa pagbebenta ng mga sasakyan; at pag-recruit ng mas maraming pulis sa mga darating na taon.

“Napag-usapan din kung ano ang mga bagay na puwede nating gawin upang malabanan ang ganitong uri ng krimen. We were able to discuss among others the use of technology in the fight against criminality, and maximum police visibility,” aniya.

Nagpapasalamat din si Abalos sa suporta ni Romualdez at ng Kongreso sa mga hakbangin ng DILG at PNP sa paglaban sa kriminalidad at sa sunud-sunod na pagpaslang sa mga lokal na opisyal sa bansa. Aniya, malaking bagay na katuwang ng Kagawaran ang Kongreso sa pagtupad nito sa kanyang tungkulin.

Naunang sinabi ni Abalos na inatasan niya ang PNP na mas paigtingin ang kampanya laban sa private armed groups (PAGs) at iligal na armas o loose firearms sa ating bansa, lalo na sa Mindanao.

Kasama nina Abalos at Azurin sa nasabing pagpupulong sina Chief of Directorate for Investigation and Detective Management Maj. Gen. Eliseo Cruz, National Capital Region Police Office Chief Maj. Gen. Edgar Alan Okubo, and Deputy Chief for Operations Maj. Gen. Jonnel Estomo. (dilg/pia-ncr)

About Post Author

Previous articleBSP warns public against ‘whaling’
Next articleConcerns raised on designation of some WPS features as ecotourism zone, protected area