File photo
- Advertisement by Google -

[Updated] Malaking oportunidad ang maidudulot nang pagtatayo ng mini capitol sa kanilang lugar kung matutuloy ang panukala ni 2nd District Board Member Al Ibba na magtayo ng satellite office ang pamahalaang panlalawigan sa Barangay Abo-abo Sofronio Española, ayon sa mga opisyales ng barangay.

Ayon kay punong barangay Myrna Marquez, lilikha ito ng mga trabaho at kabuhayan para sa mga residente ng Abo-abo. Kabilang na dito ang pagtatayo ng mga maliit na negosyo katulad ng restaurants at iba pa.

“Malaki po talaga, dahil marami ang makakapagtrabaho at malaking improvement po sa aming barangay, malaki ang maitutulong, mabilis, at madali na ang pagproseso ng mga papel dahil malapit na,” sabi ni Marquez.

“At magiging sentro po ng mga iba’t ibang transaksyon ang aming lugar ng pitong munisipyo sa mga magiging lakad nila sa mini capitol,” dagdag ni kapitan.

- Advertisement -

Magugunitang ipinanukala ni Ibba ang pagtatayo ng mini capitol sa Sur at Norte ng lalawigan na naglalayong mailapit ang basic services ng gobyerno sa mamamayan.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleChina Coast Guard harasses Philippine BFAR vessel
Next articleLIGTAS ANG MAY ALAM! Mga dapat malaman tungkol sa Monkeypox global health emergency.
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.