Payapang ginunita ng isang Muslim community sa bayan ng Sofronio Española ang kanilang pagtatapos nang selebrasyon ng Ramadan noong Mayo 3.

Isa ang Barangay Pulot Shore sa bayan na may malaking bilang o populasyon ng mga nasa relihiyon ng Islam na taun taong ginugunita ang kanilang kapyestahan ng Ramahdan simula Abril hanggang buwan ng Mayo, sa unang pagpapakita ng buwan sa Mayo 2 na hudyat ng pagtatapos ng kanilang pagaayuno.

Ayon kay Karim Nasaluddin, nagbigay naman sa kanila ng paalala ang kanilang mga lider na hanggang maaari ay sundin pa rin ang health and safety protocols kung nanaisin ng mga ito katulad ng pagsuot ng face mask sa loob ng kanilang simabahan o masjid.

“Wala namang paghihigpit, okay lang naman po ang pagpasok namin sa aming mga mosque, masaya naming ginunita ang pagtatapos ng aming pasting o puasa,” sabi ni Nasaluddin.

- Advertisement -

Previous articleTeachers serving as election workers to receive honoraria and allowances without delay
Next article“Move on na”
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.