Nananawagan ang Narra District Jail (NDJ) sa mga residente ng bayan na sa kanila na lamang ipagawa ang mga parol na kanilang idedekorasyon sa kanilang mga bahay ngayong darating na pasko dahil magiging malaking tulong ito sa kanilang mga persons deprived of liberty (PDL).

Ayon sa tagapagsalita ng NDJ na si Jail Officer 2 May Rose Rosel, nasa humigit 50 lanterns na ang kanilang nagawa simula ngayong buwan ng Oktubre mula sa order ng ilang indibidwal na nagpapagawa sa kanila.

Aniya, ang tanging babayaran lamang ng mga magpapagawa ay ang labor cost dahil sagot nila ang materyales na gagamitin at disenyo na ninanais nila para sa kanilang parol.

“P100 po ang labor para sa kanila, depende po sa laki nang gagawin. Dagdag income po ito para sa ating mga PDLs sa loob ng NDJ,” sabi ni Rosel.

“Ang kikitain nila sa labor  ay mapupunta na iyon sa kanila. May mga ilang opisina na rin ng LGU ang nagpapagawa sa kanila,” kuwento nito.

Tuloy-tuloy umano na tatanggap ang mga PDL nang paggawa ng mga parol bago sumapit ang araw ng kapaskuhan sa December 25.

Para sa mga nagnanais na magpagawa ng parol at makatulong sa mga PDL,  maaaring magtungo sa kanilang opisina sa NDJ.

About Post Author

Previous articleDalawa arestado, isa nakatakas, sa operasyon laban sa illegal logging sa Bataraza
Next articleTS Queenie unlikely to affect PH weather
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.