Kuha sa CCTV ng dalawang hindi nakikilalang lalaki na nagnakawa diumano ng mga gamit sa loob ng multicab ni Kenneth Casañas. | Screenshot from CCTV

Dalawang lalaki ang na-record sa CCTV habang ninanakaw ang mga gamit na naiwan sa isang multicab na nakaparada sa Junction 1 sa Barangay San Miguel noong Martes (Pebrero 9) ng alas otso ng umaga.

Ayon sa post sa Facebook ni Kenneth Casañas noong nasabing araw din, huli sa CCTV ang pagnanakaw ng dalawang hindi nakikilalang lalaki sa mga naiwan niyang gamit sa multicab sa harap ng Winter Cool Shop sa San Miguel.

Sa kanyang pahayag, sinabi niya na ang unang target sana ng dalawang suspek ay ang tindahan kaharap ng kanyang shop, ngunit dahil may CCTV, at maraming tao sa lugar ay nag-alangan ang mga ito. Sa halip ay lumipat ang dalawa sa kanilang shop kung saan nandoon nakaparada ang kanyang multicab.

“Pinarada ko lang saglit ang multicab ko sa harapan ng shop ko, kasi magto-toilet lang ako saglit. Hindi na din ako nag-alala kasi may mga tao din ako sa labas,” pahayag ng biktima.

- Advertisement -

Nakuha ng mga ito ang kanyang bag na may lamang mga importanteng pag-aari tulad ng ATM cards, cellphone, mga ID, at pera na aabot sa P7,000 to P8,000.

Nai-report na niya sa pulis ang nangyari at naghihintay na lamang siya ng update kaugnay sa mga nanakaw sa kanya. May sinusundan na rin umanong anggulo ang PNP sa pagnanakaw.

“Sa CCTV kasi, galing sila sa direksyon ng AA Plaza, tapos pag-alis nila sa amin doon din ang balik nila,” saad niya.

Posible din diumano na ang dalawang suspek din ang responsable sa pagnanakaw sa Brgy. San Jose bandang alas 9 ng umaga matapos siyang manakawan.

Wala pang pahayag ang PNP kaugnay sa nangyari.

Previous article62-year-old Bataraza fisherman killed in crocodile attack
Next articlePNP MIMAROPA Eco-Warriors nagtanim ng 15,000 punong kahoy
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.