Kasalukuyang iniimbestigahan ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) at Anti-Crime Task Force (ACTF) ang nangyayaring pagnanakaw sa mga kable ng ilaw sa tatlong barangay sa lungsod.
Ayon kay Richard Ligad, tagapamahala ng ACTF, nadiskubre nila na ninanakaw ang mga kable ng ilaw sa Barangay Tagburos, Sicsican at Irawan.
Ayon sa kanya, mahabang proseso ang kinakailangang pagdaanan para magkaroon ng pailaw sa mga daan sa lungsod kaya dapat agad na mahuli ang mga sangkot sa pagnanakaw.

“Maganda na at lumiliwanag na [ang Puerto Princesa] pero may mga nagnanakaw ng wire. Siguradong may bumibili kaya may nagnanakaw. Umiilaw na mismo ang mga posteng ninakawan,” ani Ligad.
Nananawagan naman ang ACTF sa publiko na agad na isumbong o ipagbigay alam sa kanila kung sino ang mga may kagagawan ng pagnanakaw.
“Kapag may nakita kayong nag nanakaw nito, ay ipagbigay alam agad sa barangay, PNP or maging sa amin. Kung sinong makapag tuturo ng mga nakaw na wire ay may pabuya rin po kaming ilalaan bastat mapatunayan kung sinong nag nanakaw nito,” he said.