Nov 30, 2020

Paglalayag ng bangka at barko, hindi pa pinapayagan ng Coast Guard

Ayon kay Commander Sevirino Destura ng Coast Guard Station Puerto Princesa (CGSPP), bagama’t walang direktang epekto si Rolly sa lalawigan, hindi papayagan ang anumang sasakyang pandagat na maglayag hangga’t walang abiso mula sa kanilang tanggapan.

Wala pang pinapayagan na maglayag at pumalaot na barko at bangka ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Palawan kahit wala na ang bagyong si Rolly.

Ayon kay Commander Severino Destura ng Coast Guard Station Puerto Princesa (CGSPP), bagama’t walang direktang epekto si Rolly sa lalawigan, hindi papayagan ang anumang sasakyang pandagat na maglayag hangga’t walang abiso mula sa kanilang tanggapan.

“Kung titingnan po dito sa atin wala namang direktang epekto ang bagyo. Ang mga barko na pampasahero ay nagpapaalam kasi maganda ang panahon. Pero ang advice namin sa kanila ay hintayin ‘yong tuluyang pag-alis ng bagyo,” aniya.

Sabi ni Destura, sa Balabac ay mayroong 32 na kataong stranded at dalawang bangka. Sa bayan naman ng El Nido ay stranded ang batil na May Lillies. Mayroon ding stranded na bangka sa Liminangcong Port papunta ng Manila. Sa Puerto Princesa ay stranded ang MV Milagrosa na papuntang Iloilo.

Sa kasalukuyan ay naka-standby lang ang mga barkong pampasahero habang hinihintay pa kung kailan posibleng lumayag ang mga ito.

“Sa ngayon ay inaalam na lang namin kung wala nang storm or typhoon signal sa Mindoro, Coron at saka northern MIMAROPA. Kung wala na talaga, saka na namin papayagan ang mga barkong bibiyahe ng IloIlo at Visayas,” dagdag pa niya.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry