Ang biktima ay kinilalang si Rochel Sonio Lozada, 26 taong gulang.

Hanggang sa kasalukuyan  ay inaalam pa rin ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek at maging ang motibo nito sa pagpasok sa bahay ng isang babae sa Barangay Talog sa bayan ng Taytay noong Sabado ng madaling araw, Hulyo 17.

Ang biktima na kinilalang si Rochel Sonio Lozada, 26 taong gulang, ay natutulog sa loob ng kanyang bahay kasama ang dalawang taong gulang na anak ng pasukin ng suspek at paghahampasin ng kahoy. Maswerte namang hindi nadamay sa pananakit ang bata.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, malabo umanong kwento ng pag-ibig ang pinag-ugatan ng nasabing insidente.

“Nangangalap pa kami ng mga karagdagang na impormasyon para matukoy ang suspek. Sa ngayon kasi, puro hinala lang muna ang mga witness pero walang matibay na ebidensya,” pahayag ng Taytay Municipal Police Station.

Sa kasalukuyan ay inaantay na lang ng pulisya na maging stable ang kalagayan ng biktima na nananatili pa rin sa Northern Palawan Provincial Hospital habang nagpapagaling matapos na magtamo ng matinding tama sa kaliwang bahagi ng panga nito.

“Binisita namin siya noong July 18 ng umaga, pero sa condition niya hindi pa pwedeng makausap. ‘pag maayos na siya, baka posible na kilala niya kung sino ang suspek,” pahayag ng pulis.

Si Lozada ay sinasabing kahihiwalay sa asawa nito na ngayon ay nasa bayan ng Rizal.

Previous articlePDEA nabs four holdup suspects in a buy bust operation
Next articleEcoWaste Coalition urges consumers to shun lead painted refillable water bottles
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.