Patuloy ang mahigpit na pagpapatrolya ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatan ng Balabac para mapigilan ang mga iligal na pangingisda | Photo by PCG

Patuloy ang isinasagawang search and rescue operation ng Coast Guard Substation (CGS) Narra at ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa nawawalang mangingisda na si Ruel Subosa na kabilang sa apat sa nawala sa karagatang sakop ng Aborlan noong Pebrero 18.

Si Subosa ay kasamang nawala ng mga mangingisdang sina Teodoro Gresones, 52; Prince Duran, 39; at Joselito Sabanes, mga residente ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Sa report ng CGS Narra sa Coast Guard District Palawan (CGDPal), sinasabing noong 8 a.m. ng Pebrero 19 ay papunta ang apat sa Isla Sumbrero ngunit nakaranas ang mga ito ng biglang pagsama ng panahon. Dahil sa hampas ng malalaking alon, tumilapon si Subosa mula sa kanilang bangka na sinasakyan at sila ay nagkahiwa-hiwalay.

Buhay ang tatlong kasamahan ni Subosa na sina Gresones, Duran, at Sabanes, ngunit ito ay hindi nakikita hanggang sa ngayon.

Si Gresones at Duran ay nakita ng alas otso ng umaga noong Pebrero 20 malapit sa lumubog na bangka sa karagatang sakop ng Tigman, Aborlan, ayon sa report ng Coast Guard. Si Sabanes naman ay inanod sa baybayin ng Brgy. Tinagong Dagat sa bayan ng Narra at natagpuan sa nasabi ding araw bandang 8:30 a.m.

Nananawagan ang Coast Guard na kung makikita si Subosa ay ipaalam kaagad sa kanila ang impormasyon.

Previous articleAmihan, Auring to bring gusty winds, Signal No. 1 raised over eastern coasts
Next articleLimang lalaki arestado sa iligal na sugal
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.