Members of the search and rescue team of the Philippine Coast Guard (PCG).

Ipinagpapatuloy sa Barangay Sta. Lourdes ang paghahanap sa nawawalang si Efraim Agustin na kahapon ay nahulog sa ilog matapos maaksidente. Sinusuyod ng search and rescue team at ng mga kaanak, kakilala, at kaibigan ang ilog ng naturang barangay sa pagbabakasakaling matagpuan na ito.

Sa kuwento ng mga residente sa lugar, kalakasan ng ulan bandang alas kuwatro nang Miyerkules, September 22, nang mangyari ang aksidente kay Agustin na residente ng Sitio Busngol. Tila diumano lasing ito habang nagmamaneho.

Ayon kay Chris Sotto na nakatira may isang daang metro ang layo sa tulay, nakita niya ang biktima sakay ng motorsiklo nito na pagiwang-giwang. Ilang sandali lang, nakarinig na siya ng malakas na ingay.

- Advertisement -

“Galing doon sa taas, nakita ko na siya pagiwang-giwang, tapos pagdating dito, diyan sa kurbada, nag-overtake pa siya sa tricycle tapos maya-maya ayon na — bumangga na siya sa barrier ng tulay. Ang motor niya at tsinelas naiwan sa tulay, pero siya tumalsik sa ilog,” kuwento ni Sotto ngayong umaga.

“Malakas ang tubig sa ilog, baha eh, tapos umiikot-ikot pa. Hinintuan pa siya ng tricycle na in-overtake niya, hindi na siya nakita, mabilis na nawala,” dagdag niya. 

Ayon naman sa pahayag ni Kgd. Angelito Reyes ng Sta. Lourdes, sinuyod nila mula sa tulay ng Unang Lahi, mga isang kilometro mahigit, para makita ito, ngunit wala pa rin.

Previous articlePCSD revises land use rules, assures balanced decisions on mining concerns
Next articleOnline Pangalipay Festival isasagawa sa bayan ng Magsaysay
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.