Kuha mula sa isinagawang search and retrieval operations para sa nawawalang bata sa ilog ng Canipaan sa bayan ng Rizal matapos itong sakmalin ng isang buwaya noong Linggo, August 28. (Larawan mula sa MDRRMO Rizal)

Nasa kamay na ng komunidad sa Brgy. Canipaan sa bayan ng Rizal ang paghahanap sa katawan ng sampung taong gulang na bata na sinakmal ng buwaya sa isang ilog matapos pansamantalang itigil ng mga awtoridad ang kanilang isinasagawang search and retrieval operations.

Ayon sa tagapagsalita ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSD) na si Jovic Fabello, nagpasya ang search and retrieval team na pansamantala munang itigil ang tatlong araw nilang paghahanap.

“Nagpasya na ang team na itigil na muna ang operasyon sa loob ng 3 araw at 2 gabi na paghahanap. Nagkaroon ng pag uusap kanina sa barangay. pagkatapos ay nakipag meeting din ang PCSDS at PWRCC team sa office ni Mayor Ong ng Rizal para sa mga susunod na hakbang tungkol dito,” pahayag ni Fabello.

“Magpapatuloy pa din ang paghahanap pero sa community level na ng Bgy. Canipaan,” dagdag pa nito.

Matatandaang kahapon ay natapagpuan ng search and retrieval team ang shorts na suot ng bata na positibong kinilala ng kanyang pamilya.


ADVERTISEMENT


‼️FREE ₱100 DRUGMAN GIFT VOUCHER‼️

Gas up ₱2,000 at CALTEX JUNCTION 2 or CALTEX SAN PEDRO and get ₱100 Drugman Voucher! 🤩

Gas up and shop! 👍

About Post Author

Previous articleLegarda calls for preservation of PH culinary heritage
Next articleGalleno kin accuses city’s anti-crime chief of coercing suspect
is the chief of correspondents of Palawan News. She covers defense, politics, tourism, health, and sports stories. She loves to travel and explore different foods.