Isa si Sarah Jane Gagarino ng Sitio Agis-agis sa Panitian Española, isa sa mga kababaihan na gumagawa ng recycled garments.

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Nagsisikap ngayon ang isang grupo ng mga kababaihan sa isang komunidad sa Barangay Panitian sa bayan na ito na mapaganda ang kanilang maliit na pinagkakakitaan sa paggawa ng iba’t-ibang recycled garments sa gitna ng pandemya para maitawid ang pangangailangan ng pamilya araw-araw.

Ang mga kababaihang ito sa aplaya ng Sitio Agis-agis ay halos nasa isang buwan ng gumagawa ng mga doormat at potholder upang maibenta at magkaroon ng pagkakakitaan.

Ayon kay Sarah Jane Gagarino, isa sa mga gumagawa nito sa lugar, malaking bagay ito para sa kanila na magkaroon ng maliit na pagkakakitaan at makabili ng kanilang mga kailangan sa loob ng bahay katulad ng bigas.

“Karamihan po ng materyales namin ay galing sa mga sirang tela o damit yon ang ginagawa namin, doormats at potholders then may mga mag-o-order po sa amin ng maramihan,” sabi niya sa Palawan News noong Miyerkules, July 21.

Ayon kay Gagarino, nagsimula sila noon lamang buwan ng Hunyo ng maturuan sila ng kaniyang pinsan na may ideya at marunong sa paggawa ng mga recycled garment at hanggang natutunan nila ito at naturuan sila sa kanilang komunidad.

“Nasa sampung mga kababaihan kami dito na gumagawa po nito,araw-araw po ito ang ginagawa namin at may mga nagho-whole buyer po dito,nag oorder po at ginagawa namin,”sabi niya.

Ayon kay Gagarino, P15 ang kanilang benta para sa potholders at P30 hanggang P40 naman para sa doormats.

Samantala, ayon kay kapitan Toto Gatungay, pag-a-aralan ng kaniyang konseho na matulungan ang grupo ng mga kababaihan sa komunidad na ito para matulungan at plano itong gawing livelihood sa kanila.

“Maari pong gagawa tayo ng pondo para sa kanila,pangbili ng tela o kahit sa anong paraan,pwede rin tayongag imbita ng mga trained individuals para dito para mas lalong mahasa sila sa pag-gawa nito,” sabi ni kaitan Gatungay noon ding Miyerkules, July 21.

Previous articleSobejana pledges AFP’s support for development of Pag-asa in Kalayaan municipality.
Next articlePolice arrests man for stabbing of chief tanod
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.