Para kay Mayor Elizabeth Cervantes ng Busuanga, malaking bagay para sa kanilang bayan ang nakatakdang muling pagbubukas ng Calauit Safari Park na posible ring maging daan para sa pagbubukas ng iba pa nilang tourist attractions.

Ayon kay Cervantes, ang pagbabalik-operasyon ng Calauit para sa mga lokal na turista muna ay magsisilbing panimula para sa iba pang tourist destinations ng bayan kagaya ng Busuanga River, Busuanga View Deck at Black Island na maaari ring pasyalan ng mga lokal na turista bukod sa safari park.

“Opening gateway ito para sa iba pang sites namin, na kung pupunta sila sa Calauit, maaari rin nilang maisama sa kanilang time to visit ang iba pang local attractions natin dito. This is also a chance for us at lalong lalo na sa mga residente na may pangunahing hanapbuhay ay naka-focus sa tourism activity natin,” pahayag ni Cervantes.

“Although last year pa nag-open tayo ng local tourism activity sa Busuanga, we know Calauit is our main attraction dito sa Calamianes and we believe makakatulong ito na puntahan pa nila ang iba pang sites natin,” dagdag niya.

Idinagdag din ni Cervantes na bagamat ang pamamahala ng Calauit ay nasa hurisdiksyon ng Provincial Tourism Office (PTO) ay makakaasa ang pamahalaang panlalawigan na kasama pa rin sa mga nirerekomenda ng kanilang Municipal Tourism Office (MTO) na isama ito sa promosyon at maging ang pagbibigay mg suporta dito.

Nitong Pebrero 22 lang ay inanunsyo ng PTO at ng Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (DRPDRRMO) ang plano na buksan ang Calauit sa darating na Marso matapos na maihanda na ang parke sa pagpapatupad ng health and safety protocols sa mga turistang dadagsa dito.

About Post Author

Previous articleTwo arrested in Sta. Monica drug buy-bust operation
Next articlePrice freeze on pork helping Palawan’s hog industry to recover
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.