Sep 27, 2020

Pagbibiyahe ng pasahero ng mga barko sa BCCL, kinansela ng PCG

Ayon kay Lieutenant Junior Grade Ma. Teresa Caraig, cargo lang ang puwedeng ibiyahe ng mga barkong 22GO, Asian Journey, at June Aster hanggang August 18 mula sa NCR dahil sa pagbabalik ng MECQ.

Inabisuhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga barko na nagbibiyahe ng pasahero sa mga bayan ng Busuanga, Coron, Culion at Linapacan na ito ay pansamantala munang bawal dahil apektado sila ng modified enhanced community quarantine (MECQ) na muling ipinatupad sa ilang lugar sa National Capital Region (NCR) at karatig bayan.

Ayon kay Lieutenant Junior Grade Ma. Teresa Caraig, cargo lang ang puwedeng ibiyahe ng mga barkong 22GO, Asian Journey, at June Aster hanggang August 18 mula sa NCR dahil sa pagbabalik ng MECQ.

“Kinausap na namin agad sila at nagbigay naman agad ng feedback ang mga ito. So far, ang passenger operation nila ay kanselado hangga’t hindi magkaroon ng pagtatapos ang MECQ sa NCR. Pero ang cargo operation nila ay continue lang,” pahayag noong Martes ni Caraig sa Palawan News.

Kinumpirma naman ng 2GO sa Coron na kanselado ang kanilang biyahe ng mga pasahero at nakatakda itong mag-operate ulit sa August 24.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry