Umabot na sa 40 percent ng kabuuang populasyon ng bayan ng Rizal ang nabakunahan na laban sa COVID-19 sa pagpasok ng taong 2022.

Ayon kay Dr. Kathreen Stephanie Luz Micu, Municipal Health Officer, 70 percent ng 56,000 populasyon ang kanilang target na mabakunahan laban sa COVID-19.

Batay sa consolidated data ng Municipal Health Office (MHO), mayroong 29.77 percent o nasa 11,379 ang kanilang nabigyan ng kumpletong bakuna mula noong buwan ng Hulyo hanggang Disyembre noong taong 2021.

Maliban dito, nakapagbigay na rin ng Pfizer booster shots ang MHO sa 154 indibidwal noong buwan ng Disyembre.

- Advertisement -

Dagdag ni Micu, bagamat mamataas na ang bilang ng nabakunahan ay hindi pa rin sila nakatitiyak na maaabot ang 70 percent target her immunity sa taong 2022 dahil may ilan pa ring mamamayan ang hindi pa rin handa o may takot pa magpabakuna.

Samantala, nasa 14,627 indibidwal naman na nabigyan ng first dose noong buwan ng Nobyembre at Disyembre ng nagdaang taon ang nakatakdang makakapagkumpleto ng kanilang bakuna sa kalagitnaang buwan ng Enero.

Muli ring nagbigay ng paala-ala si Micu na bagamat bakunado na ay kailangan pa ring sumunod sa pinaiiral na health protocols ang mga mamamayan.

“Ibayong pag-iingat pa rin sa lahat kahit bakunado na. Sumunod pa rin sa health and safety protocol,” pahayag niya.

Previous article2,000 mangrove propagules, itinanim ng PNP Maritime sa Coron
Next articlePalawan to receive P195 million cash aid for Odette survivors – DILG
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.