Patay ang isang padre de pamilya habang isinugod naman sa pagamutan ang kanyang asawa matapos pagtatagain sa Sitio Camburanga, Barangay Sarong, Bataraza, bandang alas dos kahapon. Marso 20.

Kinilala ang nasawi na si Salito Dicay Rasig, 36, samantalang ang asawa nito ay kinilala na si Erlina Sangga Rasig, 34.

Si Erlinda ay nakatakbo kasama ang 11 taong gulang na anak na lalaki, ngunit nagtamo pa rin ng taga sa braso.

Ang suspek na kapitbahay lang ng mga biktima ay pinaghahanap pa din ngayon ng mga pulis. Kinilala itong si Regie Timi Oddan, 21 taong gulang.

- Advertisement -

Ayon kay P/Maj. Dhenies Acosta ng Bataraza MPS, galing lang sa pagkorte ng mga buho ang mag-asawa kasama ang anak nang mangyari ang pananaga.

“Inabangan sila, nakasakay sila sa motor, nakakarga ang mga korteng buho sa gilid ng motor. Ang babae nakatakbo kasama ang anak, pero ang kanang kamay niya halos maputol na. Ang lalaki naman, nakatakbo pa, kaso hinabol pa siya ng suspek at saka tinuluyan,” pahayag ni Acosta.

“Nasa 15-20 meters ang layo niya sa motor niya,” dagdag nito.

isa sa nakikita nilang dahilan nang galit ng suspek sa mga biktima ay ang posibleng minsang pagsita ni Salito dito ng minsang magmaoy diumano ito dahil sa kalasingan.

Napag-alaman din na magkamag-anak pa ang biktima at ang suspek.

“Sa likod lang siya nakatira ng bahay ng biktima, pero kagabi pinuntahan namin ang kubo niya sa kaingin nila. Naabutan na lang namin doon sa kubo niya yung kanyang sapatos, hanggang ngayon nagtatago siya,” sabi pa nito.

“Dahil nga nakatira lang siya doon sa likod ng bahay ng mga biktima, possible daw na yung pagsita sa kanya nitong nakaraan ang dahilan ng galit niya sa biktima,” dagdag pa ni Acosta.

Samantala, hanggang sa ngayon ay nasa pagamutan pa sa bayan ng Brooke’s Point ang asawa ng biktima para sumailalim sa operasyon dahil sa natamo nitong taga sa braso.

Previous articlePolitically speaking
Next articlePAGASA explains Sunday night’s extreme weather
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.