Dec 5, 2020

P25k na halaga ng marijuana, kumpiskado mula sa isang tricycle driver

Tinatayang aabot sa P25,000 ang halaga ng tuyong dahon ng marijuana na nakumpiska ng mga awtoridad mula sa inarestong tricycle driver, Sabado ng hapon, sa Barangay Sta. Monica.

Kinilala ni P/Lt. Bryan Rayoso ng City Police Station (CPS) 2 ang19 anyos na suspek na si Cyril Victor Ibrahim, residente ng Barangay Sicsican.

Aniya, maliban sa isang sachet ng pinatuyong dahon na pinaghihinalaang marijuana ay nabilhan din ito ng iba na nakabalot sa bondpaper.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ang suspek ng CPS 2 dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry