- Advertisement by Google -

Tumaas na ang reward para matagpuan ang missing person na si Jovelyn Galleno sa P250,000 na halaga, matapos dagdagan ito ni 3rd District Palawan Rep. Edward Hagedorn ng P200,000 ngayong araw, August 9.

Ayon sa source na malapit sa pamilya Galleno, nag-alok ng tulong si Rep. Hagedorn upang mas mapabilis ang pagbabahagi ng impormasyon ng publiko sa mga awtoridad upang mahanap ang diumano ay nawawalang dalaga.

Matatandaan na P45,000 ang unang nakalaang pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Gallenio. Ang P45,000 ay nai-raise ng pamilya mula sa mga kaibigan, at ilang mga netizens, samantalang ang P5,000 naman ay mula kay Councilor Elgin Damasco.

Ayon sa Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), ang pabuya ay kasalukuyang hawak ng pamilya.

- Advertisement -

“Hawak ng pamilya ang pabuya. Makakatulong naman yun [sa katunayan] maraming nagme-message sa kanila kailangan lang ifilter ang information na mayroon,” pahayag ni P/Maj. Alta Xerxes Cabillage.

Samantala, tutulong na ang city government upang mahanap si Galleno, ayon pa kay Cabillage.

Sa kanyang pahayag, sinabi niya na magre-request ng kopya ng CCTV footage ang city government sa mall na pinagtatrabahuhan ni Galleno upang magkaroon ng lead sa kanilang paghahanap.

“Katatapos lang ng conference namin with LGU (Puerto Princesa. May action sila na gagawin. Sila naman ang gagawa ng sulat para sa Robinsons para makakuha [o] maka access tayo sa recording ng CCTV,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Cabillage sa Palawan News.

Sa kasalukuyan, prayoridad ng PPCPO na makakuha o makita ng CCTV footage mula sa nasabing mall, ngunit magpahanggang ngayong walang maibigay ang pamunuan nito.

Bigo rin na makakuha ng warrant to review mula sa korte para masilip ang video footage dahil wala pang naisasampang pormal na reklamo at wala pang ma-establish na krimen.

Sa gitna nang pagpapatuloy ng imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso ng nawawala diumano na si Galleno ay hindi binabalewala ng mga awtoridad ang mga impormasyon na nakukuha mula sa isang Facebook user na nagsabing nakasabay niya ang dalaga sa isang van noong araw din na ito ay mawala.

Ayon kay Cabillage, kinakailangan muna nilang ma-establish kung anong oras lumabas ang nasabing dalaga sa mall na kanyang pinagtatrabahuhan upang malaman kung tama ba ang impormasyon mula sa Facebook.

“Focus muna kami doon sa pag imbestiga sa roots niya, kailangan muna nating tingnan ang kung anung oras posibleng nakauwi na, at nakalabas sa Lugar. Pero hindi namin isinasantabi ang mga impormasyon na nakakarating sa amin” pahayag ni Cabillage.

August 5 ng maibalitang nawawala ang nasabing dalaga matapos umuwi mula sa kanyang pinagtatrabahuhang outlet sa isang mall sa lungsod. Hanggang sa ngayon ay wala pa ring malinaw na lead ang mga awtoridad sa kinaroroonan nito.

Samantala, umabot na sa P45,000 ang nakalaang pabuya sa makapagbibigay impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng nawawalang dalaga. Ang P40,000 ay galing sa pamilya, kaibigan, at ilang mga netizens, samantalang ang P5,000 naman ay mula kay Councilor Elgin Damasco.

Ayon sa PNP, ang pabuya ay kasalukuyang hawak ng pamilya.

“Hawak ng pamilya ang pabuya. Makakatulong naman yun [sa katunayan] maraming nagme-message sa kanila kailangan lang ifilter ang information na mayroon,” pahayag ni Cabillage.

Para sa mga may impormasyon tungkol sa dalaga, nanawagan ang pamilya na agad na makipagugnayan sa kanila sa numerong 09606866774.


ADVERTISEMENT


Sitel Academy training is your bridge to success!
Sitel Academy is back. We offer FREE TRAINING with paid allowance.
Unlock and enhance your communication skills with Sitel Palawan’s best of the best trainers.

Process your application today at Sitel Main Site, East Ville City Walk. Brgy. San Pedro, PPC.
Open from 9 AM to 4 PM. Monday to Friday.

Click this link to register: https://forms.gle/UYh8th4zyvDfAsRn6

Bring a VACCINATION CARD and 1 Valid ID upon application.

SitelPalawan #workinparadise #worklifebalance

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleGov. Socrates nagpaalala sa mga taga kapitolyo para pagbutihin ang serbisyo publiko
Next articleDepEd Palawan closes for disinfection
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.