SAN VICENTE, Palawan — Sampung milyong piso ang inilaan na pondo ng lokal na pamahalaan dito para sa pagsasaayos ng farm-to-market roads na makakatulong sa mga residente upang madala ang kanilang mga produkto sa palengke.

Ayon sa panayam ng Palawan News kay San Vicente municipal agriculture officer Penny Clavecilla noong Lunes, prayoridad ngayon ang matulungan ang mga nasa sektor ng agrikultura para sa seguridad ng pagkain ng kanilang bayan.

“Mayroon na tayong pre-identified area yong Caruray old site palusot ng Decala ngayong Agosto na iyon. Maaaring isunod dito ay Port Barton area, may tinitingnan pa tayo kahit medyo maiksi lang siya, ang importante makakalusot ang mga produkto nila all year round,” sabi ni Clavecilla.

“May approaved budget na ito at nasa implementasyon na tayo mula ngayong Agosto. Bale, P10 million ito at local government unit (LGU)-funded ito. Target natin matapos ito bago mag-end ang kasalukuyang taon,” dagdag pahayag niya.

Aniya, kailangang alamin kung anong mga kalsada ang kailangang ayusin para madaanan na papunta sa merkado ng mga residente.

Iginiit niya na uumpisahan ito ngayong darating na buwan ng Agosto upang tapusin na ang “hirap na hirap” na sitwasyon ng mga magsasaka.

“Although hindi naman siya yong buong street kundi yong mga portion na doon nahihirapan pagdating sa transport at delivery ng mga products,” sabi pa ni Clavecilla.

Ang mga detalye ng proyekto ay ipinaalam ng San Vicente LGU sa quarterly meeting ng Rural Based Organizations (RBOs) noong July 24.

Dito ay sinabi ni Clavecilla na may ilang mga barangay na silang na-identify para sa pagsisimula ng proyekto.

Nakasalalay kasi umano sa mga RBO ang pagpili sa mga lugar na mabibiyayaan ng project na ito at posibleng ang 10 barangay na sakop ng San Vicente ay magkakaroon ng farm-to-market road.

“Ang RBOs kasi sila ang apektado pagdating sa mga delivery ng services natin at mga essential commodities so sila ang pinapahanap natin kong saan ang ipa-priority natin. Kahit mga dalawang daang metro basta ganoon ang konsepto,” dagdag ni Clavecilla.

 

About Post Author

Previous articleBataraza quarantine facilities get portable hand washing stations from CBNC
Next articleGSIS extends filing of application for emergency loan program
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.