Umaabot sa mahigit P1 million halaga ng kinumpiskang shabu at marijuana ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Palawan, araw ng Huwebes, bilang pagtalima sa kautusan ni Presidente Rodrigo Duterte na sirain na ang mga ito para maiwasan ang “illegal drug recycling”.

Ang Dangerous Drugs Board (DDB) street value ng mga ito ay nasa P737,411.72 subalit sa Palawan, ang street price ay aabot sa P1,084,429, ayon kay PDEA Provincial Officer IA III Christopher Torres.

Umaabot sa gross weight 207.72 at net weight 108.4429 in grams ang bigat ng shabu, samantalang sa marijuana ay may gross weight na 49.58 at net weight na 8,6279 in grams ang sinunog sa crematorium sa memorial park sa Barangay San Jose bandang alas dos ng hapon.

Sabi ni Torres, ang mga sinunog na shabu at marijuana ay nakumpiska mula sa mga sting operations ng iba’t-ibang drug enforcement units ng lungsod at lalawigan na isinurender sa PDEA mula sa mga kaso noong 2015 hanggang 2019.

“Ang mga drug evidence natin ay lahat po ito ay mga precedent cases na ang ibig sabihin ay mga kasong na acquit, convicted, at dismissed,” sabi niya.

Sinabi din ni Torres na mayroon pang malalaking volume ang hindi pa naitu-turnover sa kanilang ahensya sa ngayon, kaya asahan na sa susunod na may kaparehong aktibidad ay mas marami pa ang maisasama sa destruction.

Maliban sa nabanggit na dami ng mga drug evidence, may ilan din na non-drug evidence na hindi man kasamang sinunog ay sinira pa rin ng PDEA.

“Marami pa ang medyo matataas o malalaking volume ang hindi pa naitu-turnover sa atin, kaya kung papayagan pa uli tayo ng Puerto Princesa City Memorial Park na magkaroon ng destruction dito, malamang medyo malaki na volume ang ide-destroy natin,” sabi ni Torres.

Noong nakaraang linggo ay ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa mga anti-drug agencies na sirain ang mga nakumpiskang illegal drugs para maiwasan ang mga tiwaling indibidwal na nakawin ang mga ito o muling itinda.

About Post Author

Previous article‘Ofel’ may weaken into LPA as it traverses WPS
Next articleUniqlo, SM Foundation donate face masks to Palawan frontliners
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.