BROOKE’S POINT, Palawan – Pansamantalang isinara ng pamunuan ng Southern Palawan Provincial Hospital (SPPH) ang Outpatient Department (OPD) nito noong Biyernes dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Sinabi ng SPPH sa official Facebook page nito na pansamantalang isinara ang OPD para magsagawa ng masinsinang disifenction at decontamination sa bisinidad ng ospital at para na rin mas matutukan ang mga may malubhang kaso ng coronavirus.

“Patuloy na tumataas ang bilang ng mga active cases dahil na rin sa katigasan ng ulo ng mga mamayan, maraming hindi sumusunod sa ating health protocols,” ayon kay Dan Esmerio, ang hepe ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Brooke’s Point.

Hindi nabanggit ng pamunuan ng ospital kung kailan muling magbubukas ang OPD.

Patuloy naman ang serbisyo ng ospital sa emergency room para sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang medical attention.

Samantala, sa ngayon ay umabot na sa 129 ang bilang ng COVID-19 active cases sa bayan.

Sa update na inilabas ng Municipal Inter-Agency Task Force on COVID-19 (MIATF) noong September 2, may kabuuang 869 confirmed cases kung saan 652 ang gumaling at 16 naman ang nasawi.

Previous articleWater interruptions in Irawan, Tagburos, and Sta. Lourdes on September 4
Next articleImplementasyon ng cash incentives para sa senior citizens, hiniling sa bayan ng Rizal
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.