Photo courtesy of Neal Gelig Momo of Uno Adventures

Nagsagawa ng orientation at plant visit para sa mga bagong halal na miyembro ng board of directors (BOD) nito ang Palawan Electric Cooperative (PALECO).

Ang mga bagong BOD ay sina Nila Momo mula sa District VII (Munisipyo ng Brooke’s Point, Sofronio Espanola, Bataraza at Balabac), Liza Angela Jaranilla mula sa District VIII (Munisipyo ng Cuyo, Magsaysay at Agutaya), at Efren Abejo mula sa District V (Munisipyo ng Aborlan at Brgy. Inagawan at Kamuning ng Lungsod ng Puerto Princesa), kahapon, ika-17 ng Oktubre sa PALECO Main Office.

Nagsilbi namang refresher ang nasabing gawain para sa bagong halal na chairperson ng BOD na si Maylene Ballares mula sa District I (Poblacion Barangays of Puerto Princesa City), at maging kina Marietta Seratubias mula sa District IV (Southern Barangays of Puerto Princesa City), Neil Cinco mula sa District III (Northern Barangays of Puerto Princesa City), at Ferdinand Garcellano mula sa District XI (Munisipyo ng Taytay, San Vicente at El Nido).

Nilibot din ng PALECO board of directors ang mga opisina upang kanilang makilala ang mga empleyado ng kooperatiba at makapagbigay ng kanilang mga mungkahi na makatutulong sa mga Member-Consumer-Owners (MCOs).

Photo courtesy of Neal Gelig Momo of Uno Adventures

Nagkaroon din ng presentasyon ang iba’t ibang departamento ng PALECO kung saan ibinahagi sa BODs ang mga tungkulin, proseso at programang isinasagawa ng bawat departamento.

Binisita rin ng mga nasabing PALECO BODs ang planta ng Palawan Power Generation Inc. (PPGI) kung saan personal silang inilibot ng Plant Manager nito na si Engr. Zaldimer Brillo. Napuntahan rin nila ang opisina ng National Power Corporation (NAPOCOR) at ang planta ng Delta P kung saan sila’y tinanggap ng mga empleyado nito sa pangunguna ng kanilang Plant Manager na si Engr. Christopher Navarro.

Ayon kay Officer-in-Charge Neriza S. Regal, ito ang kauna-unahang beses na nagsawa ng orientation at plant visit para sa mga bagong halal na BODs at hangad niyang maging regular na itong gawain sapagka’t makatutulong ito upang mapadali ang pagbibigay kaalaman sa mga bagong halal na BODs ukol sa mga tungkulin, proseso, programa at iba pa na ipinatutupad at isinasagawa ng Kooperatiba.

Previous articleBayron invites SM Group to invest in building hotels, convention center in envi estate
Next articleFrance wants to explore PH waters in exchange for submarines