Ang mga farmers organization sa Rizal, Palawan habang tinatanggap ang binhing palay mula sa MAO noong September 7

Nakatanggap ng rice seeds subsidy mula sa pamahalaang lokal ng bayan ng Rizal ang mahigit 50 farmers organizations noong araw ng Martes, September 7.

Ang subsidiyang nabanggit ay kinabibilangan ng mahigit 1,000 sako ng binhi ng palay na ipinamahagi ng Municipal Agricultures Office (MAO) at tinanggap naman ng mga presidente ng organisasyon sa isinagawang ceremonial turn-over sa National Food Authority (NHA) warehouse sa Barangay Punta Baja.

Ayon kay Henry Palarca, municipal agriculturist, ang subsidiyang binhi ng palay ay gagamitin ng mga magsasaka para sa cropping season ngayong buwan ng Setyembre at Oktubre.

Dagdag niya, ito ay bahagi ng pondong kasama sa “Annual Assistance” ng pamahalaang lokal ng Rizal sa mga farmers cooperatives and organizations sa ilalim ng programang Municipal Livelihood Assistance for Agricultures Development (MLAAP) upang matulungan ang mga farmers at fisherfolks.

“P10 million ito ang pinondohan sa MLAAP. Local program talaga ito ni LGU na direct support sa mga magsasaka natin kung saan, ang (kabuuang) 1,024 bags ay mayroong 40 kilos ng rice seeds bawat sako ay direktang naibigay kahapon sa kanila,” pahayag ni Palarca, Miyerkules, Setyembre 8.

Paliwanag pa niya, batay sa regulasyon ng mga organisasyon dito, ang binhi ng palay ay ipinapahiram ng organisasyon sa mga miyembro nito at pagkatapos ng harvest season ay ibabalik nila ang kalahating halaga ng nahiram na binhi na palay.

“Halimbawa is nakapahiram sila ng 10 kilos na binhi, pagkaani nila, ang kalahati nalang ang ibabalik sa organisasyon nito sa halagang cash na, at magsisilbi na itong “revolving funds” ng kooperatiba,” paliwanag niya.

Samantala, hinimok ni Palarca, ang lahat ng farmers organization sa bayan na huwag mag-atubiling magtungo sa kanilang tanggapan upang matulungan ang mga ito sa ibat-ibang farming inputs at sa iba pang programa na makakatulong sa pag-angat ng kanilang kabuhayan na maari nilang maibigay katuwang ang Department of Agriculture (DA) at ang pamahalaang panlalawigan.

About Post Author

Previous articleGrupo ng sabungero sa Española pinagkalooban ng special permit para sa e-sabong
Next articleBilang ng bagong rehistradong botante sa Bataraza posibleng umabot sa 4,000
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.