Nilagdaan na ni Mayor Elizabeth Cervantes ang ipinasang ordinansa ng Sangguniang Bayan ng Busuanga na nagtatakda ng mga pamantayan para sa libreng antigen testing ng mga kuwalipikadong residente noong Lunes.

Ang ordinansa na nilagdaan noong August 16 ay iniakda ni Kgd. Romulo Fetalver. Ipinasa ito noong August 2 ng Sangguniang Bayan para sa lehitimong residente ng Busuanga na uuwi, tulad ng locally stranded individual (LSI), mga aalis na may medical purpose, death emergency sa ibang munisipyo, at overseas Filipino workers (OFWs).

- Advertisement -

Kwalipikado rin sa libreng antigen testing ang mga elected at appointed officials ng bayan para sa kanilang official travels.

Ayon kay Cervantes, ang polisiya ay dahil limitado lamang ang nabibili ng kanilang pamahalaan na test kits kaya nais na iprayoridad ang mga OFWs at LSIs maliban sa mga authorized persons outside residents o APOR.

“Bumibili pa rin tayo ngayong ng test kits pero ang nai-priority from ordinance ay itong mga kababayan muna nating OFWs at LSIs pati ang mga officials natin at mga kababayang may medical purposes. Hindi po ibig sabihin nito na binibenta natin ang antigen, may supplier din tayo at ito ay binibili ni LGU,” pahayag ni Cervantes noong Lunes.

Aniya, ang kanyang paglilinaw ay bunga ng nabasa niya sa Facebook na isang OFW ang nagsabi na ang mga umuuwing OFW ay piniperahan ng munisipyo.

Ayon sa kanya, base sa ordinansa, libre ang antigen testing kapag ang mga OFW ay dumating na sa Busuanga.

“Noon po yon may binabayaran sila dahil si LGU (local government unit) ay bumibili sa supplier. Hindi natin sila nilalagay sa paghihirap, bagkus ang LGU ay tumulong, libre na ang antigen ng mga LSI natin at OFW na uuwi dito,” mariin niyang pahayag.

Previous articleUSAID, DepEd celebrate joint successes in improving early grade learning in the Philippines
Next articleFormer drug users in Balabac get free medical, dental checkups as part of CELP
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.