Muling ikinasa ng Municipal Health Office (MHO) ng bayan ng Rizal ang “Oplan Taob” sa kani-kanilang mga barangay dahil na rin sa mga naitalang kaso ng dengue sa lugar.

Sa huling datos ng MHO, nakapagtala ng 10 kaso ng dengue sa bayan ng Rizal sa unang linggo ng buwan ng Mayo. Anim dito ay naitala sa Brgy. Punta Baja, 2 sa Brgy. Iraan at tig-isa naman sa mga Brgy. Panalingaan at Candawaga. Wala namang naitalang casualty o mga nadala sa mga pampublikong ospital sa lugar sanhi ng dengue.

Ayon kay MHO Kathreen Stephanie Luz Micu, mahalaga ang Oplan taob na kanilang pangunahing paalala upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng dengue sa kanilang bayan.

“Yung babaliktarin po mga storage ng water at Dengue 4s na rin upang labanan ang dengue,” paliwanag nito.

Sa ilalim ng 4s ay pinapayuhan ang mga mamamayan na search and destroy o hanapin at sirain ang mga pinţqamamahayan ng lamok, seek early consultation from health experts o Kumunsulta agad sa mga health experts kapag nakaramdam ng sintomas ng dengue, secure self-protection o pangalagaan ang sarili at support fogging o spraying

Mahalaga rin aniya ang patuloy na paglilinis sa kapaligiran ng bahay kabilang na ang pagputol ng mga sanga ng puno upang hindi pamahayan ng lamok na nagdadala ng dengue. Pinayohan din ng MHO na malaking tulong rin ang paglalagay ng mosquito net bago matulog sa gabi at pagsuot ng damit na may mahabang manggas upang hindi makagat ng lamok.

Bagama’t hindi pa maituturing na dengue outbreak ang nangyayari sa Rizal dahil sa mababang bilang pa rin ng kaso ay mas mainam na umanong maging handa ang MHO katuwang ang mga Barangay.

Magpapatuloy ang kanilang Dengue Information Campaign sa mga susunod buwan sa ibat-ibang mga barangay lalo na sa mga remote communities.

About Post Author

Previous articleControversy surrounds tricycle driver’s son’s int’l scholarship claims
Next articleMan who gunned his wife in Brgy. Aporawan surrenders to authorities
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.