Umabot sa kabuuang 64 personalidad na may paglabag sa batas ang naaresto ng iba’t-ibang Municipal Police Station (MPS) sa Palawan sa ikinasang “Oplan Obrero” na isinagawa sa loob ng isang buwan simula noong Abril 8 hanggang Mayo 8.

Ayon kay P/Maj. Ric Ramos, tagapagsalita ng Palawan Police Provincial Office (PPO), nitong Abril 30 hanggang Mayo 1 lang ay siyam ang sunod-sunod na naaresto at maituturing na pinakamalaking bilang ng pag-aresto na naitala ng PPO sa loob lamang ng 24 oras.

“Ang mga naitala natin, from April 30 to May 1, meron tayong siyam na pag aresto — isang illegal logging, isang  illegal drugs, tatlong illegal fishing, tatlong violation of municipal ordinance, at isang paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources and their Habitats Protection Act,” pahayag ni Ramos.

Ang Oplan Obrero ay isinagawa ng PPO sa lahat ng munisipyo kung saan mas pinaigting ang operasyon sa pag-aresto ng mga may existing warrant of arrest (WOA) at paghuli sa iba pang personalidad na may paglabag sa batas.

“Patuloy ang Palawan PPO para ma-sustain ang ating kampanya against all forms of illegal activities. Ito ay bilang pagtugon sa mandato ng pulisya na patuloy naman na pinangungunahan ng ating Acting PD kasama ang lahat ng operational units natin,” paliwanag ni Ramos.

Kabilang sa mga naaresto sa loob ng 30 araw na pagpapatupad ng Oplan Obrero ang mga mangingisdang nagsasagawa ng illegal fishing kung saan karamihan sa mga ito ay gumagamit ng dinamita sa pangingisda, at paglabag sa mga ordinasa ng mga munisipyo, illegal logging, illegal drugs, at pag-aresto sa mga wanted personality. Ayon pa kay Ramos, ang Palawan PPO ang may pinakamataas na bilang ng naaarestong may warrant of arrest sa buong rehiyon ng MIMAROPA.

“Sa ating Oplan Obrero, kasama sa mga tinutuukan natin ang mga may warrant of arrest. Pero, marami rin tayong bilang ng arrest in the previous months or years at sa katunayan ang Palawan PPO ang laging nangunguna sa most number of arrested person with WOA sa buong MIMAROPA,” ani Ramos.

Previous articleManaging stress in a COVID environment
Next articleNarra may bagong district jail building na may halagang P6 na milyon
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.