Ang pagtatanim ng mga puno ng prutas ay bilang suporta ng opisyales ng nasabing barangay sa mga katutubo.

Mahigit 1,500 seedlings na kinabibilangan ng lansones at rambutan ang sama-samang itinanim ng mga kawani at opisyales ng Barangay Ipilan sa bayan ng Brooke’s Point, sa paligid ng Sabsaban Falls noong araw ng Sabado, Agosto 21.

Ang pagtatanim ng mga puno ng prutas ay bilang suporta ng opisyales ng nasabing barangay sa mga katutubo upang magkaroon ang mga ito ng dagdag na mapagkikitaan pagdating ng panahon na ang mga ito ay mamunga na.

Ayon kay kapitan Melchor Inog, isa lamang ang Sitio Sabsaban sa kaniyang barangay na napagtamnan na ng mga fruit trees simula noong taong 2011, nang simulan ng mga naunang namumuno sa barangay ang programang pagtatanim ng prutas.

“For 11 years, marami na tayong napagtamnan na. Ito ay bilang suporta sa greening program ng gobyerno at nais nating mapakinabangan ito ng mga kapatid nating IPs,” pahayag ni Inog, Martes, August 24.

“Maraming katutubo ang nakatira sa paligid ng Sabsaban Falls. Kapag namunga na ang mga ito, sa kanila na rin yon at pwede na nilang ibenta para may dagdag na pambili ng kanilang pang araw-araw na pangangailangan,” dagdag niya.

About Post Author

Previous articlePalawan bet falls short of Miss Universe PH Top 50
Next articleICF gets new fire truck
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.