Isang senior safety officer ng Rio-Tuba Nickel Mining Company ang nasugatan matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek na inalok lamang nitong sumakay, Lunes ng gabi.

Ayon sa panayam ng Palawan News kay P/Capt. Dhayrius Redondo, hepe ng Bataraza Municipal Police Station (MPS) inalok lamang ng biktimang si Bernard Oliveros Baleno, 44 at kasama nitong si Billy Panes Lumanog Jr. Sumakay ang suspek na nakasuot ng reflectorized na damit na may Personal Protective Equipment (PPE) ngunit bigla na lamang silang binaril nito na tumama nga sa kaliwang balikat ng biktima.

Lulan ng isang elf truck na kulay puti ang biktima at kasama nito upang mag-inspeksyon sa site nang gawin ng suspek ang pagbaril dito.

Sa kasalukuyan ay nasa maayos ng kalagayan si Baleno dahil sa daplis lamang ang tama nito na agad nadala sa ospital.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang makilala ang nakatakas na suspek sa pamamaril at motibo nito.

Nagpaalala naman si Redondo sa mga mamamayan na magdoble ingat kahit pa ang intensyon lamang ay tumulong.

“Magdoble ingat tayo, pag may nakita tayo na ganoon kasi naging good samaritan lang siya sa suspek pero pinagbabaril na siya,” ayon kay Redondo.

(With a report from Jayra Joyce Taboada)

 

About Post Author

Previous articleBlood letting activity, isinagawa ng Narra hospital
Next articleRape incidence up despite lower number of other index crimes in Puerto Princesa City